kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home

Top ten pinakaayaw mong celebrity/artista/singer/basta nakikita sa tv na pinoy

November 13, 2007

Pasensya na peeps. na-stress ako ngayon. maraming pinoproblema ahihi. pampa-kalma lang. isang post. 

eto ang aking top ten. gawa rin kayo kung gusto nyo. basta explain nyo kung bakit.  

 10. Ara Mina - hindi ko alam bakit sya nasa showbiz. may fans ba sya? may talent ba sya? anak ba sya ng mayor? anak ba sya ni sonny belmonte? ahihi. ay mali. so ano nga? matagal na syang nasa bubble gang, nakakatawa ba sya? May album sya, magaling ba sya kumanta? ANU ??? sagutin nyo pls.

9. Rustom Padilla - kasi simula nung umamin syang bakla, feeling nya lagi syang tama. feeling ko lang un.

8. Kabagang Jaymee Joaquin - bwahaha, eto parang may isang napakanipis na linya kung gusto ko nga ba sya o ayaw. Ayoko ng pinaggagawa nya minsan sa tv e

7.  Lahat ng artista sa GMA7 - hindi ko sila mapangalanan kasi parang wala ata talaga akong makilala doon. Sana sa susunod gumawa sila ng strategy para makilala agad ung artista nila, tipong sa ok na screen name(example Angelica Pangilinan, John Fratz, Peter Ocampo,  Art Evangelista)   basta may katunog sa abscbn.

6. Manny Pacquiao - haha wala akong maibigay na rason ah.

5. Victor Basa - Ang emo PERIOD

4. Jay R Siaboc - ayaw ko lang ung surname nya

3. Willie Revillame - ang sungit mag host nito ng wowowee. 

2. Victor de leon Lima - ha?

1. Wendy ng PBB2 - pati na rin ung Bruce. ahihi,. mga feeling may career at talent. si wendy pwede maging cashier, si bruce ang bagger.   

 

gagawa rin ako ng pinakagusto ko next time….  

Posted by usapangym at 3:27 am | permalink | comments[1]

Happy father’s day

July 13, 2007

Kailan ba talaga ang mother's at father's day? basta SUNDAY. Never kong nababati kahit isa sa kanila tuwing araw na yon. Kahit birthday hindi ko sila binabati, pero bati naman kami. ahihihi. hindi lang talaga kami ganun. eheh. Alam ko matagal ng tapos ang father's day. Naisip ko lang bigla na mag post tungkol sa mga pinag gagawa ng tatay ko. Nakakainis pero katagalan parang matatawa ka na lang.  Sige isa isahin natin ahhhhh!

1. Ayaw niyang may nag-oovertake sa kanya. Ugali nya na pag mayron nakakapikon sa kalye e, ibaba nya yung bintana nya at sisigawan nya ng "GAGO!!!!" At dahil uso na ang power window, madali na para sa kanya ang manigaw. isang pindot lang makakasigaw na sya.. pero isang beses, sobrang excited nyang sumigaw ng gago e, mali yung bintanang nabuksan nya. ehehehe. 

2. Pag-aalis gustung gusto nyang sumama lagi, pero kadadating pa lang sa pupuntahan ay gusto na nyang umuwi. 

3. Minsan umuwi sya ng gabi, nakainom. E wala sila mommy kasi umalis. Sabay sabi "Lagi na lang ako iniiwan dito"….. E DADDY, kararating mo nga lang?!?! ikaw pa ang iniwan? pero syempre hindi ganun ang pagkasabi ko, ganito "E diba galing kayo sa labas" hehe pasimple lang.

4. Mahilig sya maglock ng kwarto. kaya si mommy sa amin natutulog minsan. Tapos pag umaga, tatanong nya sa nanay ko, "wala ka bang susi"  ni-lock daw nya kasi ang kwarto kasi maingay. as ip naman mababawasan ang ingay pag ni-lock ang pinto. ahihi.  

5. Tuwing magdo-doorbell yan, 10 times!!! pag narinig mo yun, alam mong sya na un. pero pag ikaw naman ang gumawa non at nasa loob sya ng bahay e papagalitan ka at sasabihing nakakagulat ka.

6. Tungkol ulit sa pagdo-doorbell, Kunwari ay nasa loob kayong lahat ng isang kwarto at may magdo-doorbell, bigla nyang itatanong "Sino yon?!" As ip alam namin kung sino daddy, magkakasama tayo dito sa kwarto?!

7. Sya ang pinakamakulit na tao sa mundo. Ang mga tanong nya ay paulit ulit. At take note, alam nya ang sagot sa tanong nya kaya minsan pag sinasadya kong maliin ung sagot ko e bigla nyang sasabihin na… "hindi naman e" sabay titingnan ka nya ng may pag aalinlangan.

8. Lagi nyang hinahanap ang mommy ko, mawala lang sa paningin nya ng 5 mins, e hahanapin na nya. hehehe maliit lang naman ang bahay namin para makapagtago ang nanay ko.ahihihihi 

9. Ugali talaga nya ang manggulat! LALO NA PAG TULOG KA!!! Minsan, habang natutulog ako, bigla syang pumasok at nagising ako at sabay tanong ng, ASAN MOMMY MO?? hehehehe daddy, nasa panaginip ko po?

Ganto ba tatay nyo????

 

Posted by usapangym at 5:09 pm | permalink | Add comment

Buzz express

June 11, 2007

Ugali ko na tuwing linggo ang manood ng the buzz. showbiz na kun showbiz. paborito ko ang the buzz, pag komersyal  ililipat ko sa s-files… ay wala ng s-files. yung bago, showbiz central. pero tuwing ililipat ko comercial din. sabay naman kasi sila e. parang mga engot. napaka interactive ng dalawang show na yan. sila sila nagsasagutan. tipong, si anabel nasa 7, sabay si ylmaz ang susunod na ipapakita sa the buzz. maganda, para na silang naguusap. kulang na lang ang phone patch mula the buzz hanggang s-files, ay yung bago, showbiz central. anyway highway… nagsasawa na ako sa balita puros si ylmaz at ruffa na lang. yung kay gretchen at john ang inaabangan ko e pero si tito boy naman ang nagsasasagot. atribida. tsk tsk. kung makakapag wish lang ako sa wish ko lang, eto sana ang mga chismis na ibalita nila next sunday…

 1. Kung kinasal na ba si Ethel booba at Alex Crisano

2. Kung bakla si Raymond Gutierrez… at kung bakla sya, bakla rin ba si Richard?

3. Kung totoo nga bang naging mag syota si Alek bovick at si Dj alvaro(HU U TEXT BAK? ang tipo kong lalaki maginoo pero medyo bastos…kilala mo na? ).  

4. Kung lalaki nga ba si mura at ano ang tunay nyang pangalan

5.  Kung nasaan na si Gio, Luigi at GIa alvarez at si Lindsay Custodio, pati narin si Leilani Navarro 

6.  Kung bakit naghiwalay si Snookie Serna at Ricardo Sepeda

Maraming mga chismis ang hindi nasosolb at nabibigyan ng kasagutan. tsk. tsk. SUSUNODD!!!  

Posted by usapangym at 5:26 am | permalink | Add comment

(none)

Chapter 1. chapter ng anong kwento? 

"HoY! HOY!," galit na pasigaw ni Mang Timotheo kay Ursula.

Mang Tim: Aba, nahuli na naman kitang lumalandi dyan sa may tindahan. ayusin mo nga ang sarili mo mukha ka na namang putaching

Ursula: Nyori nya nga po nguya. Nyumimili yang naman po ako nyng lyowd.

Mang Tim: hoy, hindi ka ngo ngo sa storya . magtino ka nga

Ursula: Ay uu nga pu pala koya. Suri na pu. Bomili lang aku ng lud ng silpun ku kse

Mang tim: Dalian mo magbihis ka samahan mo ako, magdedeliber ako e. Walang tiga-buhat

Ursula: Koya naman, hendi naman pang karagadur ang byoti ku nu!

Mang tim: may pa beauty beauty ka pang nalalaman. mukha ka namang construction

Rudy: mukhang construction??….

Mang tim: mukhang ginagawang building. butas butas. ayan oh butas butas mukha nyan

Rudy: Sama na lang ako mang tim sa inyo. maka extra lang

Mang tim: sige ikaw na lang.

Nag ddrive na si mang tim patungo sa pagdedeliberan nya ng 100 botelya ng mineral water. Isang restaurant sa Ongpin ang kanilang pupuntahan. Habang nagddrive si Mang tim ay natutulog naman si Rudy. Nang makarating na sila sa paroroonan ay nagising rin naman itong Rudy.

Rudy: WOW! mang tim, nasa Japan na ba tayo??

Mang tim: ugok. anong japan japan………. nasa china tayo.

Rudy: ay.. ang haba na siguro ng tulog ko noh. marami rin palang pinoy dito.

Mang tim: o sya sya, ibaba mo na ang mga tubig. ibigay mo yung resibo kay mam connie. babayaran rin agad yan. dito lang ako sa labas, antayin kita.

Naideliber naman ng maayos ang mga tubig. Excited si Rudy pabalik at gusto nyang ikwento kay Ursula kung san sila nagpunta ni mang tim. Gusto nyang inggitin kumbaga.

Rudy: hoy ula sayang hindi ka sumama. nagdeliber kami sa china. ano ka ha. inggit ka. maganda yung pinuntahan namin. maraming intsik. pero marami rin palang pinoy dun.

Ursula: Rody. wag mo akong tawageng ula. Gawen mo namang Yola. Parang yong artesta ha. Eniway. Ay, tungak. baka sa hungkong yon.. maraming DH don malamang. Balang araw mag aaply den ako sa hungkong. o de ba susyal aku. Mag aantay lang aku ng Vesa ko.

Si Ursula…. Dalawang taon na syang namamasukan kina Mang tim, marami syang pangarap. Gusto nyang maging artista kaso hindi naman pinalad ang itsura nya. Kaya ang pangarap nalang nya ay ang makapang  asawa ng mas mataas ang rango sa truck drayber. Kumbaga, Foreigner ang tipo nya. Kaya nangangarap rin syang makapunta ng ibang bansa. simple lang ang araw araw nyang buhay. Maglinis ng bahay, maglaba, manood ng inosente de ti pagkatapos ng wowowee, mag text sa mga hindi nya kakilala, tumambay sa tindahan sa labas, magpa-cute sa mga lalaki. Isang tipikal na kasambahay.

END OF CHAPTER I: kung madudugtungan pa…. hindi ko rin alam.

 

hehe. sorry alang magawa 

Posted by usapangym at 5:12 am | permalink | Add comment

baby, baby, where’s the moon? …..there! ayy walang moon??

June 10, 2007

junnipher: oi
anilita: oh
junnipher: http://www.yahoobreakingnews.com/news1.html
anilita: virus?
anilita: hehe
junnipher:  no, pinasabog ang moon
anilita: ano. puta
junnipher: basahin mo ksi
anilita: hehe teka
junnipher:  hehe
anilita: teka
anilita: totoo bato
anilita: hehehe
junnipher:  Yahoo breaking news nga e
junnipher:  nde naman bulletin  sa prenster yan
anilita: hehehehe
anilita: gagu
anilita: hehe
anilita: ay shet
anilita: hehehe
anilita: pak
anilita: teka
anilita: nababagabag ako
anilita: asan ang moon
anilita: hehehe
junnipher:  hehe
junnipher:  kinakbahan ako
anilita: hehe honga eh..
anilita: pahnu nto
anilita: wla ng moonstar?
junnipher:  hehe
junnipher:  wala ng moon
junnipher:  madilim na pag gabi
anilita: star nlng
anilita: ay
anilita: hehehehe
anilita: kya nga eh
junnipher:  pano ung wala na rin sun?
anilita: hehe buwan nlng inaasahan ko nwala p?
anilita: ha?!?!
anilita:pota
anilita: kse humihiram lng ang sun ng liwanag sa moon?
anilita:wehehe
anilita:pota
junnipher:  hehe
junnipher: diba anng sun un din ang moon, pag gabi nagiging moon, pag umaga nagiging sun
junnipher:  ehehe
anilita: potaka grade1!balek!
anilita: hehehe
junnipher:  hehe
junnipher:  mali ksi libro namin
anilita: ahihihihi
anilita: ahnu b gstong gwen nito ni kim jong2
anilita: Kim Jong Il demanded that his country be given control over the United States and for South Korea to be firebombed.
anilita: potaness
anilita: ambisyosang palaka!
junnipher:  sino ba si kim jong?
anilita: ay
junnipher: ung bida sa endles love?
anilita: hehehehehe
anilita: oonaman?
junnipher: alin ung winter sonata?
anilita: pres ng n. korea!
anilita: makapangyarihan pla c sandara
anilita: ay nort bxa
junnipher:  wag mong gagalitin
anilita: hehe
junnipher:  si sandara
junnipher:  kundi bobombahin ka non
anilita: weh, ndi nmn aku moon
anilita: nyehe
junnipher:  bakit? ano bang ginawa ng moon
anilita: tangna
junnipher:  manonood na ko ng koreanovela
anilita: hehehe
anilita: d kpla in eh?
anilita: which star are you from ba?
anilita: wehe
junnipher: which moon are you from?
junnipher: hehe
anilita: eh mey choice ba
junnipher:  sumabog e
anilita: lalung wla, sabog na
junnipher: marami na
junnipher:  kumalat
anilita: ehehhehe

 

pero mga tsong at tsang.. hindi totoo yung balita.. hihi.. 

h o a x 

Yari na ang gumawa nung website na yun. demandahan timeee… 

Posted by usapangym at 3:27 am | permalink | Add comment

usapang YM… wohoo

June 9, 2007

junnipher: tangina ung pirates
junnipher: ndi ko maintindihan
junnipher: hehee
annilita: op3!
annilita:ehe
annilita: tayna un eh
annilita: mga 5 mins lng nmen npnuod
junnipher:  hehe
junnipher:  bkt?
annilita: wla p pla
annilita: xe nagbranawt sa cinema
junnipher:  wE?H
annilita: uo
junnipher:  hehe
annilita: bnigyn nlng kme ng emergency tiket
annilita: un un nkita nmen kau
junnipher:  ahihe
annilita: ay khpon?
junnipher:  kaasar nga e ndi ko naman napanood ung pirates 1 and 2?
annilita: eh??
annilita: potaka
annilita: taka ka pa
junnipher:  hehe
annilita: mlmng dmu tlga mgegets?
junnipher:  pati un kasama ko e?
annilita: ehe shetness
junnipher:  nahirapan kmi intindhin
junnipher:  heheh
annilita: hahaha
annilita: leche kau
junnipher: pero natawa naman kmi e
annilita: sna senyo nlng nagbranawt
junnipher:  hehe
junnipher: wehehe
junnipher:  mahal na pala sine sa gateway
annilita: kano
junnipher:  dati 130 lng dun a
junnipher:  171 na
annilita: meh butal nnmn?!?!
junnipher:  hehe
annilita: tsk. alng macarthur sa natl stalu
junnipher: sa pandayan mern
junnipher: dun ako bumili
annilita: eh kaso laking natl aku eh?
annilita: haha
junnipher:  laking pandayan
annilita: wehex
annilita: teka natatae ko
junnipher: hehe
junnipher: hindi ka na pde lumabas ng kwarto
junnipher: dyan ka n lng sa kwarto mo tumae

 

Posted by usapangym at 3:53 am | permalink | comments[1]

Napapansin mo ba sila?

Sila. hmmmm………

Kilala mo  ba ang tinutukoy ko?

Baka oo, baka hindi…

sila yung palakad lakad….. paikot ikot…. palakad lakad…

SAAN?

….hehe

pa epal pa may pa tanong tanong pa. ehe drama lang yan.

Kanina kasi nasa grocery kami. Namimili ng milo, gatas, bread pan, ice cream, fish ball at marami pang iba. Sabi ng Ate ko, tingnan mo yung manong. palakad lakad… paikot ikot… kunyari may dalang basket… kunyari namimili… pero tauhan yan ng robinsons. ganyan talaga trabaho nila. Nagtitingin ng paligid. inoobserbahan mga bumibili. tinitingnan kung may mga anomalya.

Syempre ako, inobserbahan ko. Tiningnan ko ung basket. Ang laman, isang tissue paper. Dalawang shampoo,
At hindi ko na alam. Pinagmasdan ko rin kung pano sya mamili, Wala syang pinupulot. hehe. Nagtitingin lang talaga, literal ampocha. Tinitigan ko ang mata nya.. hmm kakaiba. hehe.. Ako naman madali  ako makumbinsi… sabi ko, "Oo nga ate! teka pano mo naman nasiguro" Kunyari hindi pa ako naniniwala. Sabi nya… "eh every week ako nagggrocery dito noh. at saka may mga ganyan talaga"

Sige naniniwala na talaga ako. hehe. Ayus yung ganung trabaho noh? Mag ikot ikot ka lang sa grocery may dalang basket na may lamang tissue at shampoo at kung ano2 pa. Natutuwa naman ako at pinaghahandaan talaga nya yung trabaho nya, biruin mo naka-Gel pa. Strong hold pa. ayos. 

Posted by usapangym at 3:42 am | permalink | Add comment

Anong gusto mong paglaki?

June 2, 2007

noong maliit ka ba iniisip mo kung anong gusto mo paglaki? malamang oo… syempre gusto mo maging doktor, pulis, piloto o nars

lage naman… pero may iilan na sasabihing hindi,,

Naisip ko lang, kung hindi ka nangarap na maging doktor, pulis, piloto o nars baka nandito sa mga listahan na ginawa ko ang isa sa mga  pinangarap mong trabaho paglaki:

1. Artista, hmmm sa kadahilanang gusto mong iangat ang pamilya mo sa hirap. At syempre magandang strategy na sabihing Champorado ang kinakain nyo pagpasko. Tyak!madali kang makakapasok sa mga reality at singing contest tulad ng pinoy pop superstar at singing sirena ng MTB.

2. Ang magtrabaho sa pabrika ng rugby, aba.. kung nung bata ka pa lang e nakinikinita mo ng magiging adik ka, siguro isa ito sa mga choices mo

3. Tiga-bantay sa computer shop. Siguro nung mga unang panahon ay hindi pa ito talamak, pero ngayong nasa makabagong panahon na, na kahit saan ka lumingon ay may makikita kang computer shop Na may poster pa ng online games na tulad ng o2jam, ragnarok at dota.

4. Syempre naisip mo non na gusto mo maging teacher. Hindi dahil gusto mong mahubog ang mga isipan ng mga bata kundi gusto mong magbilang ng balota tuwing eleksyon.

5. Ang maging Election officer. para madagdagan ang boto ni Chavit at ni Recto. panalo!

6. Toll teller. yun nga ba ang tawag dun? Ah basta, naisip mo siguro yun. Yung tumao sa mga toll gate ng SLEX at NLEX. hindi dahil mahilig ka sa mga sasakyan kundi dahil umaasa   ka na kahit isang beses sa buhay mo ay dumaan si Aga Muhlach sa toll gate na tinatauhan mo. Sa slex un malamang.

Tsk. Tsk.

Posted by usapangym at 7:55 pm | permalink | Add comment

magbalik

May 24, 2007

anya nyay. sa sobrang kabagutan ko ngayong madaling araw, bigla kong naalala tong blog na toh. ehe.  sa mga panahon ngayon ay walang mabibigat na pangyayare sa buhay ko (Junipher). Nag aantay parin ako ng enbelop na may laman ng aking kapalpakan. hmm.. May bago akong trabaho. Part time lang.

 Ikkwento ko na lang si Manong Mike. (itago natin sya sa pangalang Mike…ah teka mike nga yata ung pangalan nya, sige ayos lng). Si Mike ay Messenger sa aming kumpanya. tiga hatid, deliber, at kung anu2 pa. pero pag pumatak ang alas onse medya ng tanghali, nagiging Tiga bili ng Kanin at Ulam ang job description nya. Sumusunod naman sya lagi. may isa lang problema, kung magpapabili ka sa kanya ng pagkain, isang daan piso man o bente ang ibigay mo sa kanya…. walang matitirang sukli. Kadalasan barya na lang ang natitira. Noon ay nagpabili si ate maricel (tunay na pangalan) ng kanin sa kanya, Binigyan nya ng P100, pag balik may isang kanina na dala at P15 lang sukli. Kamahal naman ata ng kanin. Wala kang makukuha sa kanyang sagot kundi ang isang nakakalokong ngiti. Parte na ito ng pang araw araw na buhay nila (namin??? remember part time lng ako??) sa opis.  

 Ayaw ako papasukin ng boss ko bukas… Sobrang nagtitipid naman badtrip Ultimo 15min break binabawas anak ng teteng..  kaya eto nagpupuyat na lang ako. pag ako sinapian ng katamaran hinding hindi na ako babalik sa inyo! pakyu ol. ay sorry. joke lang un. pero di  nga. seryoso ako. asusss

 

 

Posted by usapangym at 2:20 am | permalink | Add comment

Christmas Gift…

December 3, 2006

malapit na ang pasko… ano bang gift na gusto nyo? ? ? ako eto, simple lang..
 adrian grenier                                
  
chad… hahayyyy

mong alcaraz

enchong dee
 
zanjoe. hehehe

justin chambers

kulang pa. pero ang tagal mag upload ng pic e.? hehe.

sa mga pinagkuhanan ko ng pic.. pahiram ha??? ;p

Posted by usapangym at 8:21 am | permalink | Add comment

Lessons in life

November 13, 2006

1. Wag kang magccrush sa isang active na tao, kahit pa anong sports yan… baka bading.

2. Wag kang magccrush sa isang reporter… baka bading.

3. Kung may tumatawag sayo sa cellphone mo at kinakabahan ka sa itatanong nya, wag mong sagutin. Mag antay ka, magtetext din un. Pero wag ka muna magrereply, mao-obvious ka. magintay ng 28 mins bago magreply.

4. Kung busy ka at may nagtetext sayo, replyan mo lang ng "Sige" o kaya ay "ok". mararamdaman na nyang marami kang ginagawa.

5. Huwag takbuhan ang problema. Magtago ka lang, huwag sumagot ng telepono, delay mag reply sa text.

Kung hinihingi pati landline mo, ibigay mo pero sabihin mong ginagamit ng Kuya,ate,tito,tita,
jose,banjo,osmond,dingdong, o kung sino pa.

6. Huwag kumausap ng english speaking na tao for 1 hour. Manghihina ka.

7. Huwag magpapa-apekto sa mga taong Obsess sa area ng tinitirhan nila. e.g. Alabang

8. Huwag kang kabahan pag may paparating na sobre laman ang mga kapalpakan mo, Ibilin mo sa katulong lahat ng sulat na dadating.

9. Kung ayaw mo ang mga kasama mo, mag stay ka lang ng 40 mins. saka ka umalis. pretend to be a busy person.

10. nakakasuka magphoto shoot ng mga ataol. tangina.

Wala akong pake kung lesson ba yan o pagsasayang lang ng oras. Sabi lang kasi sa horoscope ko, malakas daw ang creative powers ko ngayon.

eh magtutulog lang naman ako ngayong araw.

Parang summary lang to ng week ko ah.

 

 

Posted by usapangym at 1:30 pm | permalink | comments[1]

Album review

October 17, 2006

At the office…

Junnipher: davey ang ganda ng sounds mo dito kanina ah, anong band yun?

Davey: ahh ung sound..?

Junnipher: o ung sound mo kanina…

Davey: SOUND!

Junnipher: ung SOUND! mo kanina…

Davey: sound nga ung name ng band

Junnipher: ah….. pinoy ba?

Davey: oo..

Junnipher: galing, galing nila…

Posted by usapangym at 11:20 pm | permalink | Add comment

FAQ (Frequently Asked Questions)

October 4, 2006

Dahil, may nagtatanong talaga? hindi wala? tanong ko lang to sa
sarili ko. at sasagutin ko lang din.

1. Bakit may ganitong blog?

    Alam mo iha, sa panahon ngayon hindi ka in kung wala kang blog. may kwenta man ito o wala. Sa totoo lang, hindi ko talaga ito blog. Kay Junnipher ito.

2. Sino si junnipher?
    
    Ako rin si junnipher hehehe. pinalitan ko lang totoong pangalan ko.

3. Bakit mo ginawa un?
   
    Kasi, baka pag asa mall ako, mag pa autograph ka sa akin.

4. Sa tingin mo, kung alam ko ang pangalan at itsura mo, magpapa-autograph
ako pag nakita kita?
   
    Oo.

5. Bakit usapangym ung blog mo?

    Kasi dapat ipopost lang ni junnipher ung mga usapan nila ng kanyang mga kaibigan sa YM. Yung mga usapang walang kwenta. as in katulad ng ginagawa ko ngayong walang kwenta. Kaya lang ngayon, nagkakahalo-halo na. Wala nang theme  kumbaga. Kung ano na lang maisip. O kahit hindi pinagiisipan. sinusulat dito.

6. So sa tingin mo marami ka ng tagapagsubaybay?

    Wala. Ay meron pala, isa.

7. Marami pa sana akong itatanong? May e-mail ka ba?

    Oo meron.

8. Ano yon?

    Next time na lang. mag comment ka na lang.

9. Teka, pahabol.. bakit napapansin ko lagi kang nagpapacomment sa mga posts mo?

    Wala lang.

Pag wala dyan ang inyong mga gustong tanungin. Wala din dyan ang mga sagot. ? huh?

 

Posted by usapangym at 2:08 am | permalink | comments[1]

Bawal umihi at tumae ang aso dito!

October 3, 2006
Bawal umihi at tumae ang aso dito! - Hindi ko alam bat sinulat yan ng kapitbahay namin sa tapat ng bahay nya. Hindi ko alam kung mababasa ba ng aso un dahil tagalog ito at hindi english… o hapon? yung isang kapitbahay kasi namin hapon at intsik ata. so baka ung aso nila, hindi marunong magtagalo. anyways, mga ilang yrs narin naman sila dito. so sa tingin ko nakakaintindi na sila ng tagalog (YUNG MGA ASO).

Naalala ko tuloy yung aso naming si Wild. (may he rest in piece este peace… hu hu hu). Nagkasakit sya sa bato kasi hindi sya umiihi dito sa loob ng garahe. dito (kasi nasa garahe nga talaga ako ngayon, dahil andito ang pc).  E tag-ulan non, kaya minsan lang sya lumabas, pinipigil nya ung ihi nya. hu hu hu. Sya ang notorious ng street namin. Walang dumaadaan dito non. Pwera na lang nung may isang pick up na pula ang sumagasa sa kanya noong taong 2001? 2002? nalulungkot na ko tama na. Hindi ko parin pinapatawad ung pick up na pula. Si wild ay mabait na aso kahit kinagat nya ako the night before my graduation(g.s.). Na-excite sya tapos bigla nya kong nakagat. eng eng. Hindi ko sya hinahawakan kasi mabaho sya.

Hindi talaga ako mahilig sa aso. Apat lang ang naging aso namin buong buhay ko, Si sharon, si gabi, si kc, si sugar at si wild. ay lima pala. . . si kc kasi namatay naman agad. ata. Bakit ba puro aso tong pinaguusapan natin? bakit nag uusap ba tayo? ah oo.. pag nag comment ka. hehehe.

Ay may ipis… tatakutin ko sana ung ipis…aapakan ko sana. pagkita ko wala pala kong tsinelas………………….ako natakot

Posted by usapangym at 11:53 pm | permalink | comments[3]

uber duper walang maisip.

October 1, 2006

bakit ba kailangan pang mag post kung wlang maisip? o walang mailagay? tipong 'wala namang kwenta to e, wala lng' kung ganon din lang wag na lang magsulat. pero sa totoo lang, may ikkwento nmn tlga. tipong, wala lang nmn tong blog ko ngayon, ay nakita ko pala crush ko kanina. ang cute cute tlga nya. ay nakakahiya. tapos biglang mahihiya kasi baka mabasa ng crush nya… pero babawi ng, wala namang nagbabasa nitong blog ko e. bakit nga ba? so sa tingin mo ba may naiisip ako ngayon bat ako nag post ngayon? wala lang, wala nga akong masabi e, dyahe naman, ay okey lang wala nmang nagbababasa nito e. pero sa totoo lang, sana mag comment kayo? hahaha..

Posted by usapangym at 4:04 am | permalink | comments[1]

Re: letter to rayver cruz

September 30, 2006

Dear Junnipher,

    E kupal ka palang babae ka? e ano ngayon kung makapal ang labi ko? For your information, you cannot judge a person by look or by sight cause its not the outside counts but the inside too. Not like in basketball, the outside shoot is 3 points and dunk is 2 points only. I am good english cause i am cool. dont make bashing the artista cause they do not bash you. so go ahead and mind your own business(if you have, cause i think your only employee). I hate you.
Well, I think Zanjoe is cute. He is hot and has a good body. he is a nice actor. i like him. in fact i crush him. This is my advice to you. You just stop sending me letter cause the next time you will send. i will not reply. i will dont have a load for the reply. I will sumbong you to ate vina.

From,
Rayver

p.s.  i like victor basa more. ;p

Posted by usapangym at 9:30 pm | permalink | comments[2]

letter to rayver cruz

Dear Rayver,

    Natutuwa ako at magaling kang magsayaw. Pero hindi ako natutuwa pag nakikita kita, para kang labi na tinubuan ng mukha. parang laging kinagat ng langgam ang labi mo. Bakit hindi mo gayahin si John Wayne na parang si Robin Padilla kung kumilos at magsalita. Parang hindi nya alam ang word na originality. Mahilig akong manood ng A.S.A.P., pero naiinis ako pag kumakanta si Gerald at si kim. Pareho sila ng boses. hindi ko alam bakit? Nanonood ka ba ng Pinoy Dream Academy? Unang kita ko palang kay Rosita, alam ko ng katulong sya o mukhang katulong lang. basta pareho lang ng lebel nun. Si sam concepcion ba kilala mo? hindi ko rin maintindihan bakit pinipilit nya maging si Gary V., tipong magsasalita lang e gagalaw na agad ang balikat pa-kaliwa. Sige na aalis na ako. Bye.

p.s. si zanjoe anong tingin mo? hehe

Your biggest fan,
Junnipher
 

Posted by usapangym at 7:00 pm | permalink | comments[22]

Si Agot Isidro at ang nawawalang ballpen…

September 9, 2006

Junipher: syet si agot isidro
Anilita: pahnu mu nlman?
Junipher: hehe
Anilita: kbol?
Anilita: ehe
Junipher: sa myx
Anilita: hahaha
Junipher: alam mo ung kantang breakout?
Anilita: cnu kmnta
Junipher: pag naririnig ko un naalala ko si agot isidro
Anilita: cnu kmnta
Junipher: si agot isidro ung naiisip kong kumanta non
Junipher: pero hindi si agot

Anilita: ehe ok ok
Junipher: yung breakouttttt
Anilita: xet nmn oh
Junipher: shet hindi ko pala alam lyrics non
Junipher: yun lang part na breakawwwwwt

Anilita: ok ok
Anilita: hindi nkktulong
Junipher: putaness
Junipher: nawawala nanaman ballpen ko
Junipher: lagi na lng nawawala ung pilot na ballpen ko

Anilita: isa lng bolpen mo?
Junipher: may isa pa akong ballpen sa bag pero hindi pilot… hindi naman nawawala
Anilita: hahaha
Anilita: namimili
Junipher: pangalawang bili ko na un ng pilot
Junipher: ung isa, hiniram ko lng sa classmate ko pero hindi ko na binalik

Anilita: haha
Anilita: nenok ka pla
Anilita: balik mu ung pantasa ko
Junipher: wah
Anilita: na helo kiti
Anilita: ehe
Junipher: nakita ko na ung ballpen
Junipher: dalawa
Anilita: alam mo b un?
Junipher: hehe nakatago lng pala sa bag ko
Anilita: eh? magkasama?
Anilita: ay?
Junipher: oo
Anilita: shet
Anilita: ehe fine
Junipher: bwiset
Junipher: kwento ko muna…..
Junipher: kasi ung unang pilot

Anilita: oh…
Junipher: may humiram sakin na clasmate ko tas hindi na binalik so ang ginawa ko,humiram ako ng pilot tas hindi ko na binalik tapos akala ko nawala, so bumili ako
Anilita: eheh
Anilita: tposssssss
Junipher: pero ngayn nakita ko na parehas
Junipher: bwisit kasi ung bag ko andaming zipper

Anilita: ehe
Junipher: 12 ung zipper
Anilita: uuuuyy
Junipher: tas ung iba hindi ko pa nabubuksan hanggang ngyn
Anilita: binilang kaya mtagal?
Anilita: ehehehe
Junipher: oo, ang galing mo
Anilita: ehehe
Junipher: binubukas sara ko pa
Anilita: hinihintay ku xe ung Junipher_cute is typing a msg
Anilita: hahah
Junipher: hehe
Anilita: parng tanga
Anilita: haha
Anilita: ?
Junipher: ye?
Anilita: ok
Junipher: djehjwehjdshjs

Posted by usapangym at 10:59 pm | permalink | Add comment

Breaking news!!!

September 8, 2006

off topic siguro toh, pero importante lang. SEPTEMBER 8, 2006

Buhawi namataan!

Kuhang kuha sa camera. patay tayo dyannnn!!!

 

Posted by usapangym at 6:31 pm | permalink | Add comment

Usapang Matino #1

Eto ay pawang nangyari sa totoong buhay, ay sa YM pala. Itago na lang natin sila sa pangalang Anilita at Junipher. ewan ko bat ganyan ang usapan nila. parang lasing.

(8/3/2006 12:13:45 AM)

Junipher: may cancer daw si gloria
Anilita: pres?
Anilita: ehe
Anilita: san
Junipher: d ko lam
Junipher: kasi si kuya may mga kakilalang doktor sa st lukes
Anilita: oh
Anilita: ehe chismax
Junipher: nanonood ka ng rockstar supernova?
Junipher: ay
Anilita: grrr
Anilita: ehe
Anilita: uy,ahnu nga mas safe
Anilita: limewire, bittorrent?
Junipher: limewire
Junipher: para sa kin
Anilita: o? un pren b gmet mu?
Junipher: oo
Anilita: ala nmn prob?
Anilita: alang aids?
Junipher: hmm
Junipher: ndi natin masasabi?
Junipher: haha
Anilita:  haha..bhala na nga
Anilita: nxtym na ult
Junipher: hehe
Junipher: may pasok ka ba bukas
Anilita: gtg

(8/3/2006 12:59:45 AM)

Posted by usapangym at 6:06 am | permalink | comments[2]