Album review
October 17, 2006At the office…
Junnipher: davey ang ganda ng sounds mo dito kanina ah, anong band yun?
Davey: ahh ung sound..?
Junnipher: o ung sound mo kanina…
Davey: SOUND!
Junnipher: ung SOUND! mo kanina…
Davey: sound nga ung name ng band
Junnipher: ah….. pinoy ba?
Davey: oo..
Junnipher: galing, galing nila…
FAQ (Frequently Asked Questions)
October 4, 2006Dahil, may nagtatanong talaga? hindi wala? tanong ko lang to sa
sarili ko. at sasagutin ko lang din.
1. Bakit may ganitong blog?
Alam mo iha, sa panahon ngayon hindi ka in kung wala kang blog. may kwenta man ito o wala. Sa totoo lang, hindi ko talaga ito blog. Kay Junnipher ito.
2. Sino si junnipher?
Ako rin si junnipher hehehe. pinalitan ko lang totoong pangalan ko.
3. Bakit mo ginawa un?
Kasi, baka pag asa mall ako, mag pa autograph ka sa akin.
4. Sa tingin mo, kung alam ko ang pangalan at itsura mo, magpapa-autograph
ako pag nakita kita?
Oo.
5. Bakit usapangym ung blog mo?
Kasi dapat ipopost lang ni junnipher ung mga usapan nila ng kanyang mga kaibigan sa YM. Yung mga usapang walang kwenta. as in katulad ng ginagawa ko ngayong walang kwenta. Kaya lang ngayon, nagkakahalo-halo na. Wala nang theme kumbaga. Kung ano na lang maisip. O kahit hindi pinagiisipan. sinusulat dito.
6. So sa tingin mo marami ka ng tagapagsubaybay?
Wala. Ay meron pala, isa.
7. Marami pa sana akong itatanong? May e-mail ka ba?
Oo meron.
8. Ano yon?
Next time na lang. mag comment ka na lang.
9. Teka, pahabol.. bakit napapansin ko lagi kang nagpapacomment sa mga posts mo?
Wala lang.
Pag wala dyan ang inyong mga gustong tanungin. Wala din dyan ang mga sagot. ? huh?
Bawal umihi at tumae ang aso dito!
October 3, 2006Hindi talaga ako mahilig sa aso. Apat lang ang naging aso namin buong buhay ko, Si sharon, si gabi, si kc, si sugar at si wild. ay lima pala. . . si kc kasi namatay naman agad. ata. Bakit ba puro aso tong pinaguusapan natin? bakit nag uusap ba tayo? ah oo.. pag nag comment ka. hehehe.
Ay may ipis… tatakutin ko sana ung ipis…aapakan ko sana. pagkita ko wala pala kong tsinelas………………….ako natakot
uber duper walang maisip.
October 1, 2006bakit ba kailangan pang mag post kung wlang maisip? o walang mailagay? tipong 'wala namang kwenta to e, wala lng' kung ganon din lang wag na lang magsulat. pero sa totoo lang, may ikkwento nmn tlga. tipong, wala lang nmn tong blog ko ngayon, ay nakita ko pala crush ko kanina. ang cute cute tlga nya. ay nakakahiya. tapos biglang mahihiya kasi baka mabasa ng crush nya… pero babawi ng, wala namang nagbabasa nitong blog ko e. bakit nga ba? so sa tingin mo ba may naiisip ako ngayon bat ako nag post ngayon? wala lang, wala nga akong masabi e, dyahe naman, ay okey lang wala nmang nagbababasa nito e. pero sa totoo lang, sana mag comment kayo? hahaha..




