kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home » Post Item » FAQ (Frequently Asked Questions)

FAQ (Frequently Asked Questions)

October 4, 2006

Dahil, may nagtatanong talaga? hindi wala? tanong ko lang to sa
sarili ko. at sasagutin ko lang din.

1. Bakit may ganitong blog?

    Alam mo iha, sa panahon ngayon hindi ka in kung wala kang blog. may kwenta man ito o wala. Sa totoo lang, hindi ko talaga ito blog. Kay Junnipher ito.

2. Sino si junnipher?
    
    Ako rin si junnipher hehehe. pinalitan ko lang totoong pangalan ko.

3. Bakit mo ginawa un?
   
    Kasi, baka pag asa mall ako, mag pa autograph ka sa akin.

4. Sa tingin mo, kung alam ko ang pangalan at itsura mo, magpapa-autograph
ako pag nakita kita?
   
    Oo.

5. Bakit usapangym ung blog mo?

    Kasi dapat ipopost lang ni junnipher ung mga usapan nila ng kanyang mga kaibigan sa YM. Yung mga usapang walang kwenta. as in katulad ng ginagawa ko ngayong walang kwenta. Kaya lang ngayon, nagkakahalo-halo na. Wala nang theme  kumbaga. Kung ano na lang maisip. O kahit hindi pinagiisipan. sinusulat dito.

6. So sa tingin mo marami ka ng tagapagsubaybay?

    Wala. Ay meron pala, isa.

7. Marami pa sana akong itatanong? May e-mail ka ba?

    Oo meron.

8. Ano yon?

    Next time na lang. mag comment ka na lang.

9. Teka, pahabol.. bakit napapansin ko lagi kang nagpapacomment sa mga posts mo?

    Wala lang.

Pag wala dyan ang inyong mga gustong tanungin. Wala din dyan ang mga sagot. ? huh?

 

Posted by usapangym at 2:08 am | permalink

Previous Comments

10. Hindi kaya ikaw rin ang nagcocomment sa sarile mong posts?

Hindi.

hahah..wla na..iicpn ikw nga rn tlga

Posted by ibang bisita at October 4, 2006, 1:38 pm

Add a comment