kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home » Post Item » magbalik

magbalik

May 24, 2007

anya nyay. sa sobrang kabagutan ko ngayong madaling araw, bigla kong naalala tong blog na toh. ehe.  sa mga panahon ngayon ay walang mabibigat na pangyayare sa buhay ko (Junipher). Nag aantay parin ako ng enbelop na may laman ng aking kapalpakan. hmm.. May bago akong trabaho. Part time lang.

 Ikkwento ko na lang si Manong Mike. (itago natin sya sa pangalang Mike…ah teka mike nga yata ung pangalan nya, sige ayos lng). Si Mike ay Messenger sa aming kumpanya. tiga hatid, deliber, at kung anu2 pa. pero pag pumatak ang alas onse medya ng tanghali, nagiging Tiga bili ng Kanin at Ulam ang job description nya. Sumusunod naman sya lagi. may isa lang problema, kung magpapabili ka sa kanya ng pagkain, isang daan piso man o bente ang ibigay mo sa kanya…. walang matitirang sukli. Kadalasan barya na lang ang natitira. Noon ay nagpabili si ate maricel (tunay na pangalan) ng kanin sa kanya, Binigyan nya ng P100, pag balik may isang kanina na dala at P15 lang sukli. Kamahal naman ata ng kanin. Wala kang makukuha sa kanyang sagot kundi ang isang nakakalokong ngiti. Parte na ito ng pang araw araw na buhay nila (namin??? remember part time lng ako??) sa opis.  

 Ayaw ako papasukin ng boss ko bukas… Sobrang nagtitipid naman badtrip Ultimo 15min break binabawas anak ng teteng..  kaya eto nagpupuyat na lang ako. pag ako sinapian ng katamaran hinding hindi na ako babalik sa inyo! pakyu ol. ay sorry. joke lang un. pero di  nga. seryoso ako. asusss

 

 

Posted by usapangym at 2:20 am | permalink

Add a comment