kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home » Post Item » Napapansin mo ba sila?

Napapansin mo ba sila?

June 9, 2007

Sila. hmmmm………

Kilala mo  ba ang tinutukoy ko?

Baka oo, baka hindi…

sila yung palakad lakad….. paikot ikot…. palakad lakad…

SAAN?

….hehe

pa epal pa may pa tanong tanong pa. ehe drama lang yan.

Kanina kasi nasa grocery kami. Namimili ng milo, gatas, bread pan, ice cream, fish ball at marami pang iba. Sabi ng Ate ko, tingnan mo yung manong. palakad lakad… paikot ikot… kunyari may dalang basket… kunyari namimili… pero tauhan yan ng robinsons. ganyan talaga trabaho nila. Nagtitingin ng paligid. inoobserbahan mga bumibili. tinitingnan kung may mga anomalya.

Syempre ako, inobserbahan ko. Tiningnan ko ung basket. Ang laman, isang tissue paper. Dalawang shampoo,
At hindi ko na alam. Pinagmasdan ko rin kung pano sya mamili, Wala syang pinupulot. hehe. Nagtitingin lang talaga, literal ampocha. Tinitigan ko ang mata nya.. hmm kakaiba. hehe.. Ako naman madali  ako makumbinsi… sabi ko, "Oo nga ate! teka pano mo naman nasiguro" Kunyari hindi pa ako naniniwala. Sabi nya… "eh every week ako nagggrocery dito noh. at saka may mga ganyan talaga"

Sige naniniwala na talaga ako. hehe. Ayus yung ganung trabaho noh? Mag ikot ikot ka lang sa grocery may dalang basket na may lamang tissue at shampoo at kung ano2 pa. Natutuwa naman ako at pinaghahandaan talaga nya yung trabaho nya, biruin mo naka-Gel pa. Strong hold pa. ayos. 

Posted by usapangym at 3:42 am | permalink

Add a comment