kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home » Post Item » Buzz express

Buzz express

June 11, 2007

Ugali ko na tuwing linggo ang manood ng the buzz. showbiz na kun showbiz. paborito ko ang the buzz, pag komersyal  ililipat ko sa s-files… ay wala ng s-files. yung bago, showbiz central. pero tuwing ililipat ko comercial din. sabay naman kasi sila e. parang mga engot. napaka interactive ng dalawang show na yan. sila sila nagsasagutan. tipong, si anabel nasa 7, sabay si ylmaz ang susunod na ipapakita sa the buzz. maganda, para na silang naguusap. kulang na lang ang phone patch mula the buzz hanggang s-files, ay yung bago, showbiz central. anyway highway… nagsasawa na ako sa balita puros si ylmaz at ruffa na lang. yung kay gretchen at john ang inaabangan ko e pero si tito boy naman ang nagsasasagot. atribida. tsk tsk. kung makakapag wish lang ako sa wish ko lang, eto sana ang mga chismis na ibalita nila next sunday…

 1. Kung kinasal na ba si Ethel booba at Alex Crisano

2. Kung bakla si Raymond Gutierrez… at kung bakla sya, bakla rin ba si Richard?

3. Kung totoo nga bang naging mag syota si Alek bovick at si Dj alvaro(HU U TEXT BAK? ang tipo kong lalaki maginoo pero medyo bastos…kilala mo na? ).  

4. Kung lalaki nga ba si mura at ano ang tunay nyang pangalan

5.  Kung nasaan na si Gio, Luigi at GIa alvarez at si Lindsay Custodio, pati narin si Leilani Navarro 

6.  Kung bakit naghiwalay si Snookie Serna at Ricardo Sepeda

Maraming mga chismis ang hindi nasosolb at nabibigyan ng kasagutan. tsk. tsk. SUSUNODD!!!  

Posted by usapangym at 5:26 am | permalink

Add a comment