kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home » Post Item » (none)

(none)

June 11, 2007

Chapter 1. chapter ng anong kwento? 

"HoY! HOY!," galit na pasigaw ni Mang Timotheo kay Ursula.

Mang Tim: Aba, nahuli na naman kitang lumalandi dyan sa may tindahan. ayusin mo nga ang sarili mo mukha ka na namang putaching

Ursula: Nyori nya nga po nguya. Nyumimili yang naman po ako nyng lyowd.

Mang Tim: hoy, hindi ka ngo ngo sa storya . magtino ka nga

Ursula: Ay uu nga pu pala koya. Suri na pu. Bomili lang aku ng lud ng silpun ku kse

Mang tim: Dalian mo magbihis ka samahan mo ako, magdedeliber ako e. Walang tiga-buhat

Ursula: Koya naman, hendi naman pang karagadur ang byoti ku nu!

Mang tim: may pa beauty beauty ka pang nalalaman. mukha ka namang construction

Rudy: mukhang construction??….

Mang tim: mukhang ginagawang building. butas butas. ayan oh butas butas mukha nyan

Rudy: Sama na lang ako mang tim sa inyo. maka extra lang

Mang tim: sige ikaw na lang.

Nag ddrive na si mang tim patungo sa pagdedeliberan nya ng 100 botelya ng mineral water. Isang restaurant sa Ongpin ang kanilang pupuntahan. Habang nagddrive si Mang tim ay natutulog naman si Rudy. Nang makarating na sila sa paroroonan ay nagising rin naman itong Rudy.

Rudy: WOW! mang tim, nasa Japan na ba tayo??

Mang tim: ugok. anong japan japan………. nasa china tayo.

Rudy: ay.. ang haba na siguro ng tulog ko noh. marami rin palang pinoy dito.

Mang tim: o sya sya, ibaba mo na ang mga tubig. ibigay mo yung resibo kay mam connie. babayaran rin agad yan. dito lang ako sa labas, antayin kita.

Naideliber naman ng maayos ang mga tubig. Excited si Rudy pabalik at gusto nyang ikwento kay Ursula kung san sila nagpunta ni mang tim. Gusto nyang inggitin kumbaga.

Rudy: hoy ula sayang hindi ka sumama. nagdeliber kami sa china. ano ka ha. inggit ka. maganda yung pinuntahan namin. maraming intsik. pero marami rin palang pinoy dun.

Ursula: Rody. wag mo akong tawageng ula. Gawen mo namang Yola. Parang yong artesta ha. Eniway. Ay, tungak. baka sa hungkong yon.. maraming DH don malamang. Balang araw mag aaply den ako sa hungkong. o de ba susyal aku. Mag aantay lang aku ng Vesa ko.

Si Ursula…. Dalawang taon na syang namamasukan kina Mang tim, marami syang pangarap. Gusto nyang maging artista kaso hindi naman pinalad ang itsura nya. Kaya ang pangarap nalang nya ay ang makapang  asawa ng mas mataas ang rango sa truck drayber. Kumbaga, Foreigner ang tipo nya. Kaya nangangarap rin syang makapunta ng ibang bansa. simple lang ang araw araw nyang buhay. Maglinis ng bahay, maglaba, manood ng inosente de ti pagkatapos ng wowowee, mag text sa mga hindi nya kakilala, tumambay sa tindahan sa labas, magpa-cute sa mga lalaki. Isang tipikal na kasambahay.

END OF CHAPTER I: kung madudugtungan pa…. hindi ko rin alam.

 

hehe. sorry alang magawa 

Posted by usapangym at 5:12 am | permalink

Add a comment