kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home » Post Item » Happy father’s day

Happy father’s day

July 13, 2007

Kailan ba talaga ang mother's at father's day? basta SUNDAY. Never kong nababati kahit isa sa kanila tuwing araw na yon. Kahit birthday hindi ko sila binabati, pero bati naman kami. ahihihi. hindi lang talaga kami ganun. eheh. Alam ko matagal ng tapos ang father's day. Naisip ko lang bigla na mag post tungkol sa mga pinag gagawa ng tatay ko. Nakakainis pero katagalan parang matatawa ka na lang.  Sige isa isahin natin ahhhhh!

1. Ayaw niyang may nag-oovertake sa kanya. Ugali nya na pag mayron nakakapikon sa kalye e, ibaba nya yung bintana nya at sisigawan nya ng "GAGO!!!!" At dahil uso na ang power window, madali na para sa kanya ang manigaw. isang pindot lang makakasigaw na sya.. pero isang beses, sobrang excited nyang sumigaw ng gago e, mali yung bintanang nabuksan nya. ehehehe. 

2. Pag-aalis gustung gusto nyang sumama lagi, pero kadadating pa lang sa pupuntahan ay gusto na nyang umuwi. 

3. Minsan umuwi sya ng gabi, nakainom. E wala sila mommy kasi umalis. Sabay sabi "Lagi na lang ako iniiwan dito"….. E DADDY, kararating mo nga lang?!?! ikaw pa ang iniwan? pero syempre hindi ganun ang pagkasabi ko, ganito "E diba galing kayo sa labas" hehe pasimple lang.

4. Mahilig sya maglock ng kwarto. kaya si mommy sa amin natutulog minsan. Tapos pag umaga, tatanong nya sa nanay ko, "wala ka bang susi"  ni-lock daw nya kasi ang kwarto kasi maingay. as ip naman mababawasan ang ingay pag ni-lock ang pinto. ahihi.  

5. Tuwing magdo-doorbell yan, 10 times!!! pag narinig mo yun, alam mong sya na un. pero pag ikaw naman ang gumawa non at nasa loob sya ng bahay e papagalitan ka at sasabihing nakakagulat ka.

6. Tungkol ulit sa pagdo-doorbell, Kunwari ay nasa loob kayong lahat ng isang kwarto at may magdo-doorbell, bigla nyang itatanong "Sino yon?!" As ip alam namin kung sino daddy, magkakasama tayo dito sa kwarto?!

7. Sya ang pinakamakulit na tao sa mundo. Ang mga tanong nya ay paulit ulit. At take note, alam nya ang sagot sa tanong nya kaya minsan pag sinasadya kong maliin ung sagot ko e bigla nyang sasabihin na… "hindi naman e" sabay titingnan ka nya ng may pag aalinlangan.

8. Lagi nyang hinahanap ang mommy ko, mawala lang sa paningin nya ng 5 mins, e hahanapin na nya. hehehe maliit lang naman ang bahay namin para makapagtago ang nanay ko.ahihihihi 

9. Ugali talaga nya ang manggulat! LALO NA PAG TULOG KA!!! Minsan, habang natutulog ako, bigla syang pumasok at nagising ako at sabay tanong ng, ASAN MOMMY MO?? hehehehe daddy, nasa panaginip ko po?

Ganto ba tatay nyo????

 

Posted by usapangym at 5:09 pm | permalink

Add a comment