kung sasabihin kong wala lang, ang korny. pero sa totoo, wala lang talaga. ay korny nga.

Home » Tags

Bawal umihi at tumae ang aso dito!

October 3, 2006
Bawal umihi at tumae ang aso dito! - Hindi ko alam bat sinulat yan ng kapitbahay namin sa tapat ng bahay nya. Hindi ko alam kung mababasa ba ng aso un dahil tagalog ito at hindi english… o hapon? yung isang kapitbahay kasi namin hapon at intsik ata. so baka ung aso nila, hindi marunong magtagalo. anyways, mga ilang yrs narin naman sila dito. so sa tingin ko nakakaintindi na sila ng tagalog (YUNG MGA ASO).

Naalala ko tuloy yung aso naming si Wild. (may he rest in piece este peace… hu hu hu). Nagkasakit sya sa bato kasi hindi sya umiihi dito sa loob ng garahe. dito (kasi nasa garahe nga talaga ako ngayon, dahil andito ang pc).  E tag-ulan non, kaya minsan lang sya lumabas, pinipigil nya ung ihi nya. hu hu hu. Sya ang notorious ng street namin. Walang dumaadaan dito non. Pwera na lang nung may isang pick up na pula ang sumagasa sa kanya noong taong 2001? 2002? nalulungkot na ko tama na. Hindi ko parin pinapatawad ung pick up na pula. Si wild ay mabait na aso kahit kinagat nya ako the night before my graduation(g.s.). Na-excite sya tapos bigla nya kong nakagat. eng eng. Hindi ko sya hinahawakan kasi mabaho sya.

Hindi talaga ako mahilig sa aso. Apat lang ang naging aso namin buong buhay ko, Si sharon, si gabi, si kc, si sugar at si wild. ay lima pala. . . si kc kasi namatay naman agad. ata. Bakit ba puro aso tong pinaguusapan natin? bakit nag uusap ba tayo? ah oo.. pag nag comment ka. hehehe.

Ay may ipis… tatakutin ko sana ung ipis…aapakan ko sana. pagkita ko wala pala kong tsinelas………………….ako natakot

Posted by usapangym at 11:53 pm | permalink | comments[3]